^

Metro

Mass vaccination sa Metro Manila, masisimulan sa Hunyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mass vaccination sa Metro Manila, masisimulan sa Hunyo
Sinabi ni Metro Manila Council chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ito ang napagkaisahan nilang mga alkalde sa kanilang huling pulong, ang magkaroon na ng mass inoculation.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Target ng mga Metro Mayors na umpisahan ang ‘mass vaccination’ sa National Capital Region (NCR) sa darating na Hunyo sa oras na dumating na sa bansa ang bulto ng mga bakuna na inorder buhat sa mga internasyunal na manufacturer.

Sinabi ni Metro Manila Council chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na ito ang napagkaisahan nilang mga alkalde sa kanilang huling pulong, ang magkaroon na ng mass inoculation.

Matapos na mabakunahan ang mga me-dical frontliners, mga lokal na opisyal at ma-ging mga senior citizen, tumaas na umano ang tiwala ng mga taga-Metro Manila ngayon sa bakuna.

“Gumanda ‘yung ating acceptance ng ating constituents, yung kanilang kumpiyansa dito sa vaccines gumanda ‘yan. Dito sa Parañaque ang laki ng tinaas ng gustong magpa-vaccine para magkaroon ng herd immunity,” ani Olivarez.

Inamin din niya na halos lahat ng mga alkalde at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan ay nabakunahan na. Maging siya ay tumanggap na ng unang dose ng Coronavac, ang bakuna ng China-based Sinovac, at naghihintay na lamang ng iskedyul ng kaniyang ikalawang dose.

Sa Parañaque City, target niya na mabakunahan ang average na 5,400 indibidwal kada araw sa Hunyo na katumbas ng 250,000 tao sa isang buwan. Nais nilang mabakunahan ang nasa 900,000 indi­bidwal hanggang sa matapos ang taon.

“Kasama na ‘yung second dose doon para makuha yung 70% ng population para sa herd immunity,” paliwanag ni Olivarez.

Ngunit tulad ng ibang lokal na pamahalaan, limitado muna ang pagbabakuna nila ngayon habang kokonti pa ang suplay ng bakuna na dumarating sa Pilipinas.

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with