Deadline sa ayuda pinalawig sa Mayo 15

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ay puwedeng ipamahagi hanggang Mayo 15, 2021.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Pinalawig ng gobyerno­ ang deadline para sa pamimigay ng ayuda sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na sumailalim sa enhanced community quarantine

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ay puwedeng ipamahagi hanggang Mayo 15, 2021.

Nauna rito, inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal na dapat tapusin ang pamimigay ng ayuda sa loob ng 15 araw kung ito ay pera at 30 araw kung ito ay in-kind.
Matatandaan na inaprubahan ng Malacañang noong Marso 29 ang pagpapa­labas ng supplemental aid para sa 80% ng populasyon sa NCR Plus.

Show comments