^

Metro

Pakikialam ng PNP sa community pantries ‘di inutos – DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pakikialam ng PNP sa community pantries �di inutos � DILG
Inihayag ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos ang ginawang pagkwestyon umano ng tatlong pulis kay Ana Patricia Non, ang organizer ng orihinal na community pantry sa Quezon City na tinatawag na ‘Maginhawa community pantry’
Photos by Geela Garcia

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na wala siyang inilalabas na kautusan sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan o pakialaman ang mga community pantries na itinatayo ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa upang matulungan ang mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ito ni Año matapos ang ginawang pagkwestyon umano ng tatlong pulis kay Ana Patricia Non, ang organizer ng orihinal na community pantry sa Quezon City na tinatawag na ‘Maginhawa community pantry’

Ayon kay Non, nais umanong kunin ng mga pulis ang kanyang contact number at inaalam maging ang organisasyong kanyang kinabibilangan.

Dahil sa pangyayari ay nagsuspinde na muna ng operasyon ang Maginhawa community pantry at humi­ngi na rin si Non ng tulong mula kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Paglilinaw naman ni Año, wala siyang anumang ganitong kautusan sa PNP.

“I have not ordered the PNP to look into the community pantries around the country,” ani Año.

Tiniyak naman kahapon ni Belmonte na mananatiling ligtas at hindi gagambalain ng mga puwersa ng kapulisan ang community pantries na itinayo sa lungsod.

“I would like to perso­nally assure Ms. Ana Patricia Non and other like-minded individuals that the local government of Quezon City fully supports Community Pantries,” wika ng alkalde.

“Indeed, these initiatives highlight the bayanihan spirit inherent in our QCitizens. The city government will therefore ensure that the organizers and beneficiaries of Community Pantries remain safe and unimpeded,” dagdag ni Belmonte.

Binigyang-diin naman ni Año na ang mga ganitong gawain, basta’t mabuti ang intensiyon at walang bahid politika, ay hindi dapat pakialaman at sa halip ay hika­yatin at suportahan pa nga.

Nagpaalala lang si Año na dapat tiyakin ng mga organizers na ang community pantries ay tumatalima sa mga batas at mga lokal na ordinansa, partikular na ang mga health protocols para maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19. - Angie dela Cruz

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with