^

Metro

Konstruksyon ng COVID-19 hospital sa Luneta, inumpisahan na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang konstruksyon ng COVID-19 field hospital na itatayo sa Luneta Park sa ginanap na “groundbreaking ceremony” kahapon.

Maglalaman ang pagamutan ng 336-COVID beds na nagkakahalaga ng P154 milyong pondo. Inaasahan na matatapos ang pagamutan sa loob lamang ng dalawang buwan at maaari pang magdagdag ng 100 pang higaan kung kinakailangan.

“We have some way of how to heed the call of the national government para ma-unclog ‘yung ating­ hospital capacity at mabawasan ‘yung mga insiden­teng namamatay sa triage or tent or parking space,” ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno. “We will approach this inclusively because this is an universal problem. We cannot give up, hindi tayo susuko,” dagdag niya.

Sa pamamagitan nito, matutulungan umano nito ang pamahalaan sa loob ng limang susunod na buwan lalo na kung malalagay sa masamang sitwasyon ang bansa dulot ng pandemya.

Dadalhin ang mga pasyenteng may mild at mode­rate cases sa naturang pagamutan para matu­lungan ang mga doktor at nurses sa mga iba’t ibang ospital na mapagaan ang kanilang trabaho.

Nasa 150 medical frontliners ang kinakailangan na magtao sa naturang pagamutan sa oras na matapos itong itayo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with