^
âHome service vaccinationâ nag-umpisa na sa Maynila
Sa datos ng MHD, umak­yat na sa 98 ang nabigyan ng home service vaccination nitong hapon ng Abril 18. Inaasahan na lalo pang tataas ang numero dahil sa magtutuloy-tuloy ang programa.
The STAR/Michael Varcas

‘Home service vaccination’ nag-umpisa na sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ang Manila City Health Department na magpatupad ng “home service vaccination” para sa mga residente na “bedridden” o hindi na makaalis ng higaan para matiyak na mababakunahan ang lahat ng residente.

Sa datos ng MHD, umak­yat na sa 98 ang nabigyan ng home service vaccination nitong hapon ng Abril 18.  Inaasahan na lalo pang tataas ang numero dahil sa magtutuloy-tuloy ang programa.

Abril 12 pa lamang nang magpalabas ng memorandum si Manila Mayor Isko Moreno sa mga chairman ng barangay na maglabas ng listahan ng mga residente nilang bedridden kasama na ang address, contact numbers at iba pang impormasyon.

“Ibig sabihin nito, ‘yung mga bedridden na mamamayan na 18 years old pataas. Hindi lang ‘yung senior citizens. Basta itala nila at i-email sa amin ang listahan. Pagkatapos nito, tatawagan ng MHD ang pamilya at tatanungin kung pinapayagan ng kanilang doktor na mabakunahan ang pasyente,” ayon pa kay Moreno.

Nanawagan pa ang alkalde sa mga residente na bedridden at nais na magpabakuna laban sa COVID-19 na kontakin ang kanilang mga opisyal ng barangay para makasama sila sa talaan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with