^

Metro

12-anyos nabagok sa pag-iwas sa mga tanod, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12-anyos nabagok sa pag-iwas sa mga tanod, patay
Batay sa spot report na ipinadala kay Pasay City Police Station chief, P/Colonel Paday-os, ang biktima ay kinilalang si John Dave Pepito y Laureano, 12-anyos, residente ng No. 164 Rosas St., Maricaban, Pasay City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang batang lalaki na sinasabing nabagok ang ulo matapos bumagsak sa semento nang habulin ng mga barangay tanod sa Pasay City, iniulat kahapon.

Batay sa spot report na ipinadala kay Pasay City Police Station chief, P/Colonel Paday-os, ang biktima ay kinilalang si John Dave Pepito y Laureano, 12-anyos, residente ng No. 164 Rosas St., Maricaban, Pasay City.

Naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng hapon noong Abril 14 sa St. Peter St.,corner Mulawin St., sa Barangay 179, Pasay City

Ayon sa Pasay City Police Station, kahapon nang makarating sa kanila ang impormasyon na nag-viral na sa social media ang pangyayari sa pagkamatay ng bata dahil sa paghabol ng mga tanod kaya agad inimbestigahan ng grupo ni P/Lt. Dennis Desalisa.

Agad nilang pinuntahan ang Malaya funeral homes at tinangkang kausapin ang mga magulang ng biktima subalit bigo silang makaharap ito.

Sa brgy. logbook ay nalaman na ang mga ta­nod na sina Relan Maquiling at Arturo Rontos ay nakatanggap ng sumbong na may mga menor-de-edad na naglalaro sa kalye kaya agad rumesponde.

Ayon sa mani vendor na si Jaylord Mabolay, nakita niya ang mga tanod na sina Maquiling at Rontos na hinahabol ang biktima hanggang sa bumagsak umano ang huli sa sementadong kalye at nawalan ng malay.

Mismong ang dalawang tanod na rin ang nagsugod sa biktima sa San Pablo Health Center, sa Maricaban Pasay at inilipat sa Protacio Hospital sa Tambo, Parañaque kung saan siya idineklarang dead-on-arrival ni Dra. Jade Ajero.

Patuloy pang pinag-aaralan ang nakuhang kopya ng footages ng CCTV ng Brgy. 179 na bahagi ng gagawing imbestigasyon.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with