^

Metro

COVID-19 ‘Swab Cab’ nagsagawa ng 651 tests sa Quezon City, 54 nagpositibo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 �Swab Cab� nagsagawa ng 651 tests sa Quezon City, 54 nagpositibo
Sa isang tweet, sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na ang mga naturang indibiduwal na nagpositibo sa COVID-19 ay mula sa mga Barangay ng Culiat, Tandang Sora, at Pasong Tamo.
The STAR/Walter Bollozos, File photo

MANILA, Philippines — Nakapagsagawa na ang Swab Cab ng Office of the Vice President ng may 651 COVID-19 antigen tests sa tatlong barangay sa Quezon City nitong Sabado at sa naturang bilang ay 54 ang nagpositibo sa virus.

Sa isang tweet, sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo na ang mga naturang indibiduwal na nagpositibo sa COVID ay mula sa mga Barangay ng Culiat, Tandang Sora, at Pasong Tamo.

Ang lahat ng mga indibiduwal na nagpasuri ay pinagkalooban din nila ng bigas at mga hygiene kits, habang ang mga nagpositibo naman ay binigyan din ng food packs at COVID-19 care kits.

Kaagad ring pinag-isolate sa kanilang mga tahanan ang mga positibo sa virus, kung saan sila ay imo-monitor ng mga volunteers ng dalawang beses sa isang araw.

“All those who will be self-isolating at home will still be monitored by our volunteers, two times each day,” ayon pa kay Robredo.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Robredo ang tanggapan nina Congressman Kit Belmonte, mga barangay officials at BHERTs sa mga naturang barangay dahil sa pagsasagawa ng groundwork upang maging matagumpay ang aktibidad.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with