^

Metro

Higit 50K pamilya, naayudahan na sa Quezon City

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 50,000 pamilya na ang nabigyan ng ayuda ng national government sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hanggang kamakalawa, Sabado, ay umabot na sa 50,789 na pamilya o 161,311 indibiduwal ang nakakuha ng ayuda sa 35 distribution centers sa lungsod.

Nabatid na kahit naman araw ng Linggo  nagpatuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa iba-ibang sites ng lungsod kahapon.

Kabilang sa mga lugar na nagbigayan ng ayuda ay ang mga barangay ng Apolonio Samson, Bagong Lipunan ng Crame, Bahay Toro, Balonbato, Commonwealth, Nagkaisang Nayon, Pasong Tamo, at Unang Sigaw.Pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan ang mga residente na kung sila ay may katanungan o reklamo tungkol sa ayuda ay maaari silang dumulog sa Grievance Committee sa bawat distribution center.

Ang mga listahan anila ng mga benepisyaryo ay ipapaskil sa mga barangay, at makikita sa website ng Quezon City government: https://quezoncity.gov.ph/sap-2021-distribution-list-of-beneficiaries/.

Ayon sa kautusan ni Pang. Duterte, ang mga pamilyang naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Marso 29 hanggang Abril 11, 2021, ay kasama sa makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 ayuda mula sa national government. (Mer Layson)

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with