_ngayon
^

Metro

Mister binoga ng nakasalubong, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 45-anyos na mister ang patay nang barilin sa ulo at dibdib nang nakasalubong na isang lalaking naka-motorsiklo sa eskinita ng Brgy. Payatas, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Jose Acebron, 45, at residente ng 005 Azucena St., Brgy. Payatas.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-10:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa eskinita na matatagpuan sa Rose St., Area A, Brgy. Payatas. Ayon kay Patrolman Nestor V Ariz Jr., naglalakad si Acebron sa eskinita at pauwi na sa kanilang tahanan nang makasalubong ang rider, na naka-helmet at malapitang pinaputukan sa ulo at dibdib ang biktima.

Nang duguang bumagsak ang biktima ay agad na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Naisugod pa ang biktima ng kaniyang misis na si Teresita, sa  East Avenue Medical Center pero binawian din ito ng buhay dakong alas-10:37 ng gabi. Sa ngayon ay masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring krimen at kung sino ang posibleng may kagagawan nito.

BIKTIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with