^
Nasawi sa COVID-19 sa Metro Manila, nag-triple ang bilang- OCTA
Ito ang lumabas sa isinagawang pagsasaliksik ng OCTA Research kung saan pawang mga nasa edad 65 pataas ang naitalang nasawi.
Michael Varcas

Nasawi sa COVID-19 sa Metro Manila, nag-triple ang bilang- OCTA

Angie dela Cruz, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

Sa loob lang ng 2 Linggo

MANILA, Philippines — Triple ang bilang nang itinaas ng mga namatay sa COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo sa National Capital Region (NCR).

Ito ang lumabas sa isinagawang pagsasaliksik ng OCTA Research kung saan pawang mga nasa edad 65 pataas ang naitalang nasawi.

Mula March 28 hanggang April 13, pumalo sa 5.36% ang itinaas ng mortality rate kumpara sa 1.82% na case fatality rate.

Ang mga napunong ospital na hindi kayang tumanggap ng mga pasyente ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng maraming tinamaan ng Covid-19.

Dumagdag pa ang pagdami ng ibat-ibang uri ng variant na halos nagkasabay-sabay na dumapo sa mga pasyente.

Dahil dito, inirekomenda ng OCTA Research, unahing bakunahan ang mga senior citizens at iba pang nasa vulnerable sectors upang may panlaban ang mga ito sa virus.

Hinikayat din nila ang mga senior citizens na hindi pa nakapag-avail ng bakuna laban sa COVID-19 na magpabakuna na ang mga ito, at iginiit na ang panganib na mamamatay dahil sa CO­VID-19 ay mas malaki kumpara sa panganib ng kumplikasyon dahil sa bakuna.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with