^
Mahigit 276K pamilya sa Quezon City, tumanggap na ng ayuda
Ang pondo ay nagpapakita ng 35% ng estimated target na 800,000 family beneficiaries para sa P2.48 billion budget na laan sa Quezon City.
STAR/ File

Mahigit 276K pamilya sa Quezon City, tumanggap na ng ayuda

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 276,389 pamilya o mahigit  865,000 indibiduwal sa lungsod ­Quezon ang nakatanggap na ng ayuda  mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng  Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD).

Ang pondo ay nagpapakita ng 35% ng  estimated target na 800,000 family beneficiaries  para sa P2.48 billion budget  na laan sa  Quezon City.

“This is an achievement already given that it has just been a week since we started distribution and considering the number of people that we have to cover before the 15-day deadline set for all cities in Metro Manila,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay  Belmonte  ginamit ng  city government ang beneficiaries’ list  ng  DSWD Social Amelioration Program (SAP), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at ilang nasa waitlisted beneficiaries  ng  SAP na nasa  low-income bracket at nasa  vulnerable sectors.

Sa tulong ng  mga barangay maayos na naipamahagi ang ayuda nang sumusunod sa  basic health protocols tulad ng social distancing.

Samantala, ang lokal na pamahalaan naman ay patuloy ding magbibigay ng sariling ayuda sa mga cons­tituents lalo na sa panahon na marami ang nawalan ng trabaho ngayong pandemic.

DSWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with