^

Pagbabakuna sa mga frontliners sa Navotas, tapos na

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakumpleto na ng Navotas City ang pagbabakuna sa kanilang priority A1 frontliners.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nasa 1,297 residente at hindi residenteng frontliners na nakarehistro sa  COVID-19  vaccination program ng lungsod ang nakatanggap ng kanilang shots.  Sa bilang na ito, 178 ang nabigyan na ng pangalawang dose.

Ipagpapatuloy na rin ng Navotas ang pagbabakuna sa mga senior citizen kasunod sa naging pasya ng Food and Drug Authority (FDA) na payagan na sila sa Sinovac Biotech’s CoronaVac vaccine.

“Amidst the continuous increase in COVID-19 infections and the delay in the delivery of other vaccines, we welcome the decision of the FDA to allow seniors to have the CoronaVac jab,” ani Tiangco.

Hanggang kahapon nasa 892  seniors at 1,686 na may comorbidity ang  nabakunahan sa Navotas.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with