^

817 miyembro ng MPD, tinamaan ng COVID-19

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa kabuuang 817 ang miyembro ng Manila Police District (MPD) ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni MPD director P/Brig General Leo Francisco.

Sa kasalukuyan ay may 100 pang aktibong kaso at 712 na ang nakarekober sa sakit.

Pinakahuling nasawi  si P/Staff Sergent Senen Delos Santos Evangelista, na na-confine sa Skyline Hospital and Medical Center sa San Jose Del Monte,Bulacan kung saan siya idineklarang patay.

Nabatid na nitong Marso 31, 2021 nang magsagawa ng pagbabakuna sa MPD personnel na may comorbidities ang Manila Emergency Operations Center (MEOC) at kabilang si Evangelista bilang ‘obese’ sa naturukan ng 1st dose ng Sinovac vaccine.

Sinabi ng anak na si Ro­ger Evangelista, isinugod nila sa emergency room ang ama dakong alas- 8:25 ng gabi ng Miyerkules (Abril 7),

Abril 8, isinailalim sa swab test at chest x-ray ang biktima, na ayon kay Roger ay bumuti naman ang kondisyon at naging normal ang vital signs subalit nasa 81% lang ang oxygen level. Bandang alas-12:30 ng hapon nang biglang bumagsak ng oxygen level na tuluyang nasawi dahil sa cardiac arrest.

Nabatid na nagpositibo sa nasabing virus si Evangelista bago pa ito mabakunahan.

Dahil sa iskedyul siya sa pagbabakuna ay nagpaturok ito sa takot umanong makarguhan o masampahan ng kasong administratibo.

Samantala, nilinaw din ni Francisco na walang katotohanan na masasampahan ng kasong administratibo ang MPD personnel na tatanggi o hindi magpapaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Wala namang ganun ‘di totoo ‘yun, wala kaming policy na ganun, kaya sila pinababakunahan para sa proteksiyon at alam naman na kung nagkaroon ng COVID hindi dapat mabakunahan,” ani Francisco.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with