^

Express rider, 1 pa huli sa P.3 milyong droga

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang express rider at kasama nitong babae makaraang makumpiskahan ng mahigit P.3 milyong  halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Chief  P/LT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspect na si Jessie James Junio. 37, express rider at Grace Mahibales, 32; kapwa ng Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela city.

Sinabi ni Madregalejo, ang pagkakaaresto sa mga suspect ay resulta ng halos isang linggong surveillance at monitoring operation na isinagawa ng mga ope­ratiba ng SDEU kasunod ng ilang natanggap na report ng pulisya hinggil sa ilegal na aktibidades ng mga ito. Ala-1:30 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust sa Mercado St. Gen. T. De Leon kung saan isang undercover agent ng pulisya ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspect ng P1,000 halaga ng droga.

Nang tanggapin ng mga suspect ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga nakaabang na operatiba.

Nasamsam mula sa mga suspect ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P340,000.00, buy-bust mo­ney, dalawang cellphones, P1,500 cash at digital weighing scale.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

SDEU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with