^

Metro

Olivarez pabor na buksan na ang ekonomiya sa NCR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor si Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na muling buksan ang ekonomiya sa National Capital Region (NCR) habang ipinatutupad ang mahigpit na health protocols upang hindi dumapa nang husto ang kabuhayan ng mga mamamayan.

“Yung pagbubukas po ng economy kailangan po talaga ng taumbayan ‘yan but we just have not to sacrifice ‘yung ating protocols pagda­ting sa ating kalusugan,” pahayag ni Olivarez sa Cignal TV’s One News/TV5 nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Olivarez na kailangang balansehin lamang, na maaaring magpatuloy ang negosyo nang hindi makokompromiso ang kalusugan at kaligtasan.

Hirap na hirap na aniya, ang mga tao kahit pa may ayuda silang ipinamamahagi na food packs, bukod pa sa nagmula sa national government na cash aid na hanggang P4,000 kada pamilya ay posibleng hindi na masundan pa.

Kailangan lang aniya, na lahat ng public safety mea­sures ay patuloy na umiiral tulad ng mass gatherings at pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.

Dapat din, aniya, na organisado ang sistema sa mga ospital upang hindi magkaroon ng mga nagdadagsaang pila ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nais ma-confine o critical care capacity.

vuukle comment

MMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with