^
120K puwedeng bakunahan sa Metro Manila kada araw
Sinabi kahapon ni MMDA general manager Jojo Garcia na mahusay ang pagsasagawa nang pagbabakuna ng mga lokal na pamahalan sa National Capital region (NCR).
AFP/Joseph Prezioso

120K puwedeng bakunahan sa Metro Manila kada araw

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 120,000 ang kayang umabot sa mabakunahan araw-araw sa Metro Manila sa oras na makatanggap na ng matatag na suplay ng mga bakuna ang bansa, ayon sa Metro Manila Deve­lopment Authority (MMDA).

Sinabi kahapon ni MMDA general manager Jojo Garcia na mahusay ang pagsasagawa nang pagbabakuna ng mga lokal na pamahalan sa National Capital region (NCR).

“In NCR alone, we can do at least 120,000 vaccinations per day,”ani Garcia sa press briefing na pinangunahan ng Department of Health.

Naniniwala rin si Garcia na ang 70% ng Metro Manila residents ay maturukan ng first dose sa loob ng apat na buwan.

“This is for when we receive the bulk of vaccines because right now, we still need to follow the priority list, meaning ordinary people can’t get vaccinated yet,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, ang mga indibiduwal na nasa top three priority groups pa lamang ang nabigyan ng pagkakataong mabakunahan dahil kapos pa sa suplay.

Inaasahan naman na sa kalagitnaan ng taon ay matatanggap na ang maramihang suplay ng mga bakuna.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with