^

Metro

Ayuda ng Taguig LGU sa ECQ, umarangkada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ayuda ng Taguig LGU sa ECQ, umarangkada
Sa kabila na patuloy na bukas ang mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsya nitong Lunes, agad na sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng food packs sa bawat pamilyang Taguigeño. Nagbahay-bahay ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team upang ipamigay ang sa 28 barangay sa Taguig ang mga ayuda kamakalawa.

Sa kabila na patuloy na  bukas ang mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19.

“Ngayong linggo ay kailangan nating maging ligtas. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga household, sa mga pamilya natin,” wika ni Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeño isang araw bago ang pagpapatupad ng ECQ.

“The City Government will always be here for those who need it the most,” dagdag ni Mayor Lino.

Ang Taguig City stay-at-home food packs ay kumpletong magbibigay ng supply ng tatlo hanggang limang araw para sa pamilyang may limang miyembro. Kasama rito ang bigas, mga delata, kape, energy drink at hygiene/anti-COVID kit na may kasamang face masks, face shields, alcohol at sabon para masiguro na protektado ang mga tatanggap nito laban sa COVID-19 virus.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with