^

Metro

Rider, isinuko ang ipinadedeliber na marijuana

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinuko sa Makati City Police ng isang motorcycle delivery rider ang ilang gramo ng kush o high-grade marijuana na ipinadeliber sa kaniya ng isang hindi pa nakikilalang suspek, kahapon ng umaga.

Sa salaysay ng Grab rider na hindi na binanggit ang pangalan, isang booking ang kaniyang natanggap para mapick-up ang isang electronic item sa isang condotel sa Legazpi Village sa Makati City at idi-deliber sa may Sangandaan sa Quezon City.

Nang tanungin niya ang pinagkunan ng item na nakalagay sa isang carton box, sinabi nito na internet modem ang laman.  Ngunit dahil sa mas magaan, sinabi ng rider na buksan muna ang karton pero bigla siyang inalisan ng kostumer.

Dahil sa kakaibang amoy, siya na mismo ang nag-check ng item at bumungad ang Kush marijuana na nakalagay sa isang medium sized plastic sachet sa ibabaw ng ilang cable wire.

Sa halip na idiliber ang item, dumiretso sa Police Community Precinct 7 ang delivery rider at isinuko ang marijuana.

May ibinigay nang pangalan ang rider sa pulisya na siyang nag-book para mai-deliber ang marijuana at isinasailalim na sa dagdag na imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with