^

Metro

7 barangay sa Navotas pinasok na ng UK, South Africa variants

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas pinag-iingat ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga residente matapos na pasukin na ng UK variant at South Africa variant ang pitong mga barangay sa lungsod.

Ito naman ang binigyang diin ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kung saan batay sa report ng Department of Health, nasa 10 kaso na ang kumpirmado dito.

Ayon kay Tiangco, kabilang dito ang Brgy. Bagumbayan South, Daanghari, Navotas East, Navotas West, NBBS Kaunlaran, San Jose at Sipac Almacen.

Gayuman, sinabi ni Tiang­co na naka-isolate na ang mga ito, pati ang mga close contacts.

Ayon sa alkalde, ang mga variant na ito ay mas mada-ling naipapasa kaya maaaring isa ito sa mga sanhi sa mabilis na pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya’t kailangan aniya ang dobleng pag-iingat.

Paalala ng alkalde, protektahan ang pangangata­wan at makapaghanapbuhay ng maayos para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Kailangan lamang na sundin ang mga health protocols at abiso ng pamahalaan.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with