_ngayon
^

Pulis, 5 pa timbog sa kidnapping!

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang pulis at limang iba pang kasamahan nito sa isinagawang ope­rasyon ng Criminal Investigation and Detection Group sa kaso ng pagdukot sa isang negosyante noong Martes sa kanyang bahay sa BF Resort Village, Las Piñas City.

Batay sa record ng pulisya, si Patrocenio Calvez Chiyuto Jr, a.k.a. Don Chiyuto, ay sapilitang kinuha ng mga armadong kalalakihan noong March 16, 2021 sa kanyang bahay sa Block 5 Lot 18, Kalaw St., Talon Dos, BF Resort Village, Las Piñas City. Hanggang nga-yon ay nagsasagawa pa ng follow-up ope­ration ang mga pulis upang iligtas ang biktima.

Nasa kustodiya na ng CIDG ang mga suspek na sina P/SMS Felipe Jimenez Woo, 46, nakatalaga sa 4th Coy RMFB, NCRPO; Cyryl Nolan Malana, 38, Maverick Edroll Sapitanan, 24; Celso dela Cruz Lozano, Jr. 50; Marie Grace Sapitanan, 41 at Gao Ya Qiong, Chinese citizen, 30 matapos madakip sa joint ope-ratives ng CIDG at National Region Police Office (NCRPO) kamakalawa ng hapon.

Nag-ugat ang ope­rasyon laban sa mga suspek nang magtu-ngo sa Camp Crame ang live-in partner ni Chiyuto na si Diana Custodio Cortez.

Agad na nagsagawa ng validation at follow-up operation ang mga pulis kung saan tinungo ang mga bahay ng mga suspek sa Makati City.

Nakuha sa mga suspek ang iba’t ibang klase ng baril at ammunition, gayundin ang pera na nagkakahalaga ng P50,000.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with