^
Parañaque LGU at Zuellig Pharma nagkasundo sa storage ng bakuna
Tiniyak ni Mayor Edwin Olivarez na nasa 500,000 bonafide residents ng Parañaque ang matuturukan. Prayoridad, aniya, ang health workers, essential service workers, security, traffic personnel, at senior citizens, na nasa 59,000.
STAR/ File

Parañaque LGU at Zuellig Pharma nagkasundo sa storage ng bakuna

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na problema ng Parañaque City government ang pag-iimbakan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines para sa proteksiyon nito matapos pumayag sa isang kasunduan ang Zuellig Pharmaceutical-Philippines na sa bodega nila ilagak ang paparating na 200,000 dose ng AstraZeneca sa huling bahagi ng ikalawang quarter ng taong ito.

Ang master services aggreement  ay nilagdaan sa pagitan nina  Mayor Edwin Olivarez at Danilo Cahoy, ang pangulo at general manager ng Zuellig para sa logistic services sa mga bakunang ipamamahagi sa 18 na barangay ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na nakapagbayad na ng 20% advance ang lokal na pamahalaan ng halagang P250-milyon.

Tiniyak ni Olivarez na nasa 500,000 bonafide residents ng Parañaque ang matuturukan. Prayoridad, aniya, ang health workers, essential service workers, security, traffic personnel, at senior citizens, na nasa 59,000.

“Zuellig’s storage has a capability of up to 70 degrees centigrade. From the airport the vaccines will be brought to their storage and to our vaccination centers here in the city,” paliwanag ni Olivarez.

Ang head office at warehouse  ng Zuellig  ay matatagpuan sa  West Service Road, South Superhighway, Barangay Sun Valley, na  10-minute drive  lang mula sa Ninoy Aquino International Airport,

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with