P60 milyong puslit na sigarilyo, nakumpiska ng BOC-MICP
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Manila International Container Port (MICP) ang containers na naglalaman ng may 2000 master cases ng smuggled cigarettes, kamakailan.
Ang naturang shipments ay mula sa China at naka- consigned sa Green Nature Alliance Ventures Corp. at Atlantic Globe Movers Inc.
Una itong idineklara na naglalaman ng 1,134 karton ng Zhong Su brand pe stretch film at 74 pakete ng lowering device packing equipment.
Gayunman, sa isinagawang physical examination, natuklasang naglalaman ang mga ito ng mga puslit na sigarilyo na
tinatayang may market value na P60 milyon.
Isang warrant of seizure and detention (WSD) ang inisyu laban sa shipment at nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon laban sa consignees para sa posibleng paghahain ng kaso.
Tiniyak naman ng MICP na nananatili nilang palalakasin ang kanilang anti-smuggling at border protection efforts sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.
- Latest