Palengke, grocery sa Navotas sarado tuwing Lunes

MANILA, Philippines — Dahil sa pagsirit ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19, iniutos ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pagsasara sa mga palengke, grocery stores at talipapa sa lungsod tuwing Lunes.

Ito ayon sa Executive Order No. TMT-016 ay para maisagawa ang general cleaning at disifection tuwing araw ng Lunes.

Ayon kay Tiangco, ang mga lugar at establisimyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.

Pebrero 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, subalit sumirit ito sa 99 noong Biyernes.

Ayon sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga kaso sa lungsod.

Nasa 6,057 na ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 301 dito ang active cases, 5,563 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay.

Show comments