^

Metro

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, posibleng dulot ng bagong variant-OCTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, posibleng dulot ng bagong variant-OCTA
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, ang rate ng impeksiyon sa Kamaynilaan ay mas mabilis kumpara sa nakitang rate sa Cebu at Mountain Province, na kabilang sa mga lugar na nakitaan ng mga kaso ng United Kingdom (UK) CO­VID-19 variant.
AFP/Anthony Wallace

MANILA, Philippines — Nababahala ang OCTA Research Group na ang pagkalat ng bagong va­riant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay posibleng sanhi nang pagdami ng mga kaso ng sakit sa Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, ang rate ng impeksiyon sa Kamaynilaan ay mas mabilis kumpara sa nakitang rate sa Cebu at Mountain Province, na kabilang sa mga lugar na nakitaan ng mga kaso ng United Kingdom (UK) CO­VID-19 variant.

“May isa pang posibility na ‘yung UK variant or some other variants like sa South African and meron na ring other US variants… may possibility na may variant na nagsi-spread dito (MM). Bakit? ‘Yung rate of spread masyadong mabilis. Eh in fact mas mabilis pa ito, this is similar sa rate of infection na nakita natin sa Cebu and Mountain Province,” ani David, sa isang pulong balitaan nitong Sabado, nang matanong kung ang mas mataas na bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit ay maaa­ring dulot ba ng pagiging kampante na ng mga tao sa pag-obserba ng health at safely protocols.

Nilinaw naman ni David na maaari lamang itong makumpirma sa pamamagitan ng genome sequencing, na ginagamit sa pagtukoy kung ang sample ng COVID-19 virus ay may mutation na.

“Pero ‘yung scientific evidence ay manggagaling sa genome sequencing so hindi pa natin masasabi right now pero ang sinasabi natin may possibility na may variant na nagse-spread kaya mabilis ang pagkalat niya.”

Matatandaang nitong Biyernes ay nakapagtala ang bansa ng 2,651 pang COVID-19 infections habang nitong Sabado naman ay nakapagtala ng 2,921 mga bagong kaso ng sakit, na pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng nakalipas na apat na buwan.

Anang OCTA Research, ang reproduction rate sa Metro Manila ay kasaluku­yang nasa 1.43 porisyento, na mayroong halos 900 infections araw-araw.

Kung magtutuluy-tuloy aniya ang kasalukuyang trend, posibleng makapagtala ang Metro Manila ng 2,500 kaso ng sakit araw-araw, hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Marso.

“Ito ‘yung levels na nakita natin noong August per day. What that would mean? potentially mao-overwhelm ang health care system so that’s why it’s importante na ma-curb natin agad,” paliwanag niya.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with