^

Metro

Gang war sa Tondo: 14-anyos patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Gang war sa Tondo: 14-anyos patay
lang oras na inobserbahan habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ariel Manalo, residente ng C.P. Garcia St., Tondo subalit binawian din ng buhay dakong alas-12:36 ng hapon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 14-anyos na  binatilyo nang barilin sa ulo ng kalabang grupo, nang sumiklab ang gulo sa Mel Lopez Boulevard, malapit sa panulukan ng Moriones St., Tondo, Maynila, madaling araw ng Huwebes.

Ilang oras na inobserbahan habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Ariel Manalo, residente ng C.P. Garcia St., Tondo subalit binawian din ng buhay dakong alas-12:36 ng hapon.

Nadakip naman ang mga suspek na kinilalang sina Frankielyn Rabino, alyas Iking, 20, at Tyron Juls Mejos,17.

Sa ulat ni P/Staff Master Sergeant Jorlan Taluban, naganap ang madugong gang war dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, bago ang madugong insidente, naglalakad ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan sa may Mel Lopez Blvd. nang pagbabatuhin sila ng mga bote ng softdrinks ng grupo ng mga suspek. Gumanti naman ng bato ang grupo ng biktima hanggang sa mag-alisan na ang mga suspect.

Dakong alas- 5:00 ng madaling araw nang muling sumiklab ang away nang ang grupo ng biktima ay nakaupo sa panulukan ng Sto. Nino at Moriones Sts., at biglang sumulpot ang  grupo ng mga suspek na papalapit sa kanila. Nagkaniya-kaniyang takbuhan umano ang grupo ng biktima subalit hinabol ang nasawi  ni Rabino na nang makorner ay binaril ito sa kaliwang  tagiliran ng ulo bago nagsitakas kasama ang mga ka-grupo.

Isinugod sa nasabing pagamutan ang biktima ng kaniyang mga kaanak subalit bigo itong maisalba ng mga doktor.

Kahapon ay pormal nang nagsumite ng complaint affidavit ang ama ng nasawi na si Arnold Arota kasama ang testigong si John Lloyd Delos Santos kasama ang mga testigo sa krimen na kumilala sa mga nadakip.

vuukle comment

STAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with