^
Mga saksi sa âmisencounterâ dumanas ng trauma
Funeral attendants carry a body bag containing one of the victims in the alleged misencounter between operatives of the PNP and PDEA while a pool of inter-agency investigators gather evidence in the crime scene at a fastfood chain along Commonwealth Avenue in Quezon City on Wednesday night, Feb. 24, 2020.
The STAR/Miguel de Guzman

Mga saksi sa ‘misencounter’ dumanas ng trauma

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matinding  trauma  ang idinulot ng bakbakan sa pagitan ng PDEA at PNP sa mga saksi  na nakulong sa loob ng fastfood gayundin sa mga commuters at vendors sa lugar ng barilan.

Sa video na na-post sa facebook, isang buntis ang halos himatayin dahil sa takot na ikinabahala din ng kanyang mga kasama sa comfort room ng fastfood habang sinisita ng mga ahente ng SWAT.

Hindi rin naitago ng mga kostumer ang kanilang takot nang magkaputukan habang kumakain.

Wala silang nagawa kundi dumapa at magdasal. Tanging malalakas ng putok  ng baril ang kanilang naririnig.

“Sa likod pa lang namin may pulis na, pinadapa kaming lahat baka may matamaan ng baril. Natakot kasi siyempre baril ‘yan,” pagsasalaysay ng isang nakasaksi.

Tumaas pa ang tensyon nang makitaan ng baril ang isang babae na nagpakilalang tauhan ng PDEA.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with