^

Metro

Buy-bust sa Commonwealth, nauwi sa barilan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

QCPD vs PDEA

MANILA, Philippines — Nauwi sa barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isinagawang buy-bust operation sa loob ng Ever Gotesco, Commomwelth Avenue sa Quezon City kagabi. Sa inisyal na report, dakong alas-6:00 ng gabi ay sinasabing magsasagawa sana ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QPDC District Operation Unit sa loob ng isang kilalang food chain sa Ever Gotesco. Nagkataon nandoon ang mga tauhan ng PDEA na may operation din.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng halos isang oras.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa batid kung may nasawi sa magkabilang panig. Pero sinasabing may tinamaan sa panig ng pulisya at sa panig ng PDEA.

Napasugod din sa lugar si PNP Chief Gen.Debold Sinas at PDEA Dir. Wilkins Villanueva.

Ayon sa PDEA, walang naganap na koordinasyon sa kanila ang buy-bust operation ng pulisya kaya naganap ang barilan.

Sa panig naman ng QCPD ay sinabi nilang may proper coordination ang kanilang operasyon. Dahil sa insidente ay isinara ang kahabaan ng Commonwelth Avenue patungo ng Batasang Pambansa na lumikha ng masikip na daloy ng trapiko. Umabot hanggang sa Quezon City circle ang masikip na daloy ng mga sasakyan.

vuukle comment

PDEA

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with