_ngayon
^

Metro

Pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila, naudlot

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila, naudlot
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hihintayin din muna ang panuntunang ilalatag ng mga local government units sa NCR na nasa ilalim ng general community quarantine.
Photo release

Matapos kontrahin ng mga alkalde

MANILA, Philippines — Sa halip na simulan kahapon, tuluyan nang ipinagpaliban ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila at ginawang Marso 1, ayon sa anunsiyo ng Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hihintayin din muna ang panuntunang ilalatag ng mga local government units sa NCR na nasa ilalim ng general community quarantine.

“Hindi na po iyan mapapatupad ngayong araw (kahapon) at iyan po ay ipapatupad either March 1 or kung kailan po magkakaroon ng guidelines ang ating mga lokal na pamahalaan,” ani Roque.

Nauna rito, tinutulan ng mga mayors sa NCR ang pagbubukas ng mga sinehan sa kanilang mga nasasakupang lugar dahil sa pangambang tumaas ang kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Roque na ang mga LGUs mismo ang bubuo ng guidelines at mahalagang malaman kung gaano karami ang seating capacity ng mga sinehan.

“Iyong pagbubukas po ay subject sa guidelines na sila mismo ang bubuo kasi importante na malaman kung ano ang seating capacity at ano pa iyong mga ibang requirements ng local government units,” ani Roque.

Idinagdag ni Roque na maliwanag na hindi binabalewala ang desisyon ng mga LGUs na hihintayin ang guidelines bago makapagbukas ng mga sinehan.

“So, talagang hindi po binabalewala ang mga LGUs bagama’t mayroon po tayong panahon na dapat mapatupad ito, eh kung hindi naman lalabas ang guidelines eh wala rin po talagang mangyayari,” dagdag ni Roque.

Magugunitang  una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mu­ling pagbubukas ng mga tradisyunal na sinehan na dapat ay nagsimula kahapon. 

Kontra naman dito ang mga alkalde sa MM na ­inapela ang desisyon ng IATF sa pangambang tumaas ang hawaan dahil na rin sa enclosed ang lugar. Oras din umano ang bibilangin sa panonood ng isang pelikula na may mala­king  tsansa ang hawaan, ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. — Ludy Bermudo

Related video:

CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with