^
Medical workers sa Quezon City, sinanay na sa pagbabakuna
Una sa limang hakbang ang registration kung saan maaaring iprisinta ang QCitizen ID, susundan ito ng counselling kung saan ipapaa­lam ng doktor ang mga maaaring side effects ng bakuna at mga karagdagang paalala.
AFP/Kena Betancur

Medical workers sa Quezon City, sinanay na sa pagbabakuna

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng de­monstration ang Quezon City Health Department sa tamang proseso ng pagbabakuna bilang paghahanda sakaling dumating na ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Una sa limang hakbang ang registration kung saan  maaaring iprisinta ang QCitizen ID, susundan ito ng counselling kung saan ipapaa­lam ng doktor ang mga maaaring side effects ng bakuna at mga karagdagang paalala.

Ikatlo ang screening, dito malalaman kung malusog ang pangangatawan at kung maaaring bakunahan ang tao, at pagkatapos ay isasalang na sa vaccination. Panghuli naman ay post-vaccination na dito ay oobserbahan ang nabakunahan ng 30 minuto hanggang isang oras kung magkakaroon ng reaksyon o side effects sa bakuna.

Una nang sinanay ng  QCHD ang mga healthcare worker sa proseso ng tamang pagturok ng bakuna sa bawat indibiduwal.

Unang babakunahan sa QC ang mga frontliners at lahat ng health workers, mga elderly, mga may kapansanan at mga mahihirap na mamamayan sa lunsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with