^
Call center agent minura ang mga pulis sa checkpoint, arestado
Lusot man sa kawalan ng lisensiya matapos magpakita ng court order na naka-hold ang kaniyang driver’s license, sinampahan naman ng reklamong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) ng Revised Penal Code ang suspek na kinilalang si Jay-r Sobrevilla y Tambong, residente ng No. 171 P. Perey St. Barangay Isabelita, Pinaglabanan, San Juan City.
STAR/File

Call center agent minura ang mga pulis sa checkpoint, arestado

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 35-anyos na call center agent na walang suot na helmet nang murahin ang mga pulis na sumita sa checkpoint, sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Lusot man sa kawalan ng lisensiya matapos magpakita ng court order na naka-hold ang kaniyang driver’s license, sinampahan naman ng reklamong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a person in authority) ng Revised Penal Code ang suspek na kinilalang si Jay-r Sobrevilla y Tambong, residente ng No. 171 P. Perey St. Barangay Isabelita, Pinaglabanan, San Juan City.

Sa ulat ng Pasay City Police Station, alas 2:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Pasay Sub-station 4 sa Tolentino St. ay mamataan ang suspek na walang suot na helmet kaya pinara at sinita. Hinanapan siya ng driver’s license na sinabing wala siyang maipakikita at sa halip ay inilabas ang kopya ng release order ng Branch 152 ng Pasig Regional Trial Court at iginiit na naka-hold sa korte ang kaniyang lisensiya.

Nang iisyuhan siya ng Ordinance Violation Receipt dahil sa kawalan ng suot na helmet ay arogante umano itong pumalag at nagsisigaw sa mga pulis.

Patuloy sa pagpalag ang suspek at saka minura ang mga pulis kaya siya binitbit sa presinto.

ARESTADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with