^

Metro

Hotels na ginagamit na quarantine facilities, pinababantayan ni Mayor Joy Belmonte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mahigpit na pagbabantay at pagmomonitor sa mga hotels na ginagamit bilang quarantine facilities para sa ‘Returning Filipino Workers’ o OFWs na mula sa mga bansang iniulat na may mga kaso ng B117 variant o ‘high levels’ ng COVID-19 community transmission.

Inatasan ni Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) na magtalaga ng mga pulis sa labas ng mga hotel upang matiyak na ang lahat ng naka-isolate doon ay makakatapos ng kanilang 14-day mandatory quarantine period.

Nais din aniyang masiguro ng alkalde na hindi sila mapapalusutan ng mga naturang hotel sa pagtanggap ng mga bisita na labas sa itinatakda ng safety protocols.

“Now that the DOH confirmed the presence of the new strain in several places of the country, the more we need to double our efforts in preventing the spread of the virus. If need be, we can tap our police offi­cers to man these hotels so we can prevent returning Filipinos from leaving without finishing the government-mandated quarantine period,” pahayag pa ng alkalde.

“We are leaving no stone unturned to guarantee that every hotel operating in the city is implementing the health and safety guidelines to the letter,” ayon naman kay Tetta Tirona, action officer ng City Tourism Department (CTD).

Batay sa national and local health and safety guidelines, tanging four at five-star hotels na accredited ng Department of Tourism (DOT) lamang ang maaaring tumanggap ng mga ‘staycation guests’.

Ang iba pang hotels at kahalintulad na establisimyento ay maaari lamang tumanggap ng long-term bookings at health care workers para sa akomodasyon malapit sa kanilang trabaho.

Kaugnay nito, inatasan ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga hotel na magsumite ng listahan ng RFWs at OFWs na naka-quarantine sa kanilang mga pasilidad para sa istriktong monitoring na isinasagawa araw-araw.

Ayon kay CESU head Dr. Rolando Cruz, lahat ng RFWs at OFWs na nananatili sa hotels ay kailangang makatapos ng 14-day quarantine bago sila payagang makauwi sa kanilang tahanan, kahit pa na-test sila na  positibo o negatibo sa COVID-19 paglapag nila sa bansa.

Sa huling anunsyo ng QC LGU, ‘zero case’ na sila sa COVID-19 variant B.1.1.7 o UK variant matapos na gumaling na ang kauna-unahang kaso sa lungsod.

vuukle comment

COVID-19 FACILITIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with