^
4 timbog sa P6 milyong halaga ng shabu
Si Makati City police chief Col. Harold Depositar habang kinakausap ang mga suspects na nadakip sa sinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi kung saan nasamsam sa mga ito ang may 900 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P6 milyon.
Miguel De Guzman

4 timbog sa P6 milyong halaga ng shabu

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasamsam ang mahigit P6-milyong halaga ng shabu sa apat kataong miyembro ng sIndikato ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Makati Police at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Makati Prosecutor’s Office sa paglabag sa Sectios 5 at 13 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga naarestong sina Marivic Delacuesta, alyas Nene, 36; Daryl Ace Parungo, alyas To­perl, 29; Jamail Bura, alyas Jam, 37, at Frank Lawrence Dela Cruz, alyas Oyong, 18.

Sa ulat, dakong alas -9:35 ng gabi kamakalwa nang isagawa ang buy-bust operation sa Kalayaan Ave., West Rembo, Makati. Sinabi ni Makati Police chief, P/Colonel Harold Depositar na sa pamamagitan ng kanilang mga ‘asset’, nakumbinsi ang grupo ng suspek na magdeliber ng ilegal na droga sa transaksyon sa isang poseur-buyer na tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa napagkasunduang lugar na dito sila inaresto ng mga operatiba.

Bukod sa order na shabu, nakasamsam pa ng mala­king halaga ng shabu sa mga bitbit na shopping bag ng mga suspek na may kabuuang 900 gramo na nagkakahalaga ng nasa P6.1 milyon.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with