NCRPO lilikha ng mga batikang imbestigador
MANILA, Philippines — Lilikha ang Philippine National Police National Capital Regional Police Office (PNP-NCRPO) ng mga magagaling na imbestigador upang matutukan at mabigyan solusyon ang mga kaso.
Ito ang binigyan diin ni NCRPO chief BGen. Vicente Danao, Jr. kasabay sa pagsasabing nasa 60 pulis mula sa limang Metro Manila police district ang sasailalim Criminal Investigation Course (CIC) upang hasain ang mga ito sa pag- iimbestiga.
“The CIC is regularly conducted under the supervision of the Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) that aims to enhance the investigative capability and excellence of policemen in the field of investigation,” ani Danao.
Layon ni Danao na magkaroon ng magagaling na imbestigador gamit ang iba’t ibang sistema at investigative techniques sa makabagong panahon.
Aminado si Danao na iba ang sistema ng mga imbestigador ngayon. Aniya, nakukuntento na ang mga ito sa basic investigation. Dapat ay mas malalim na imbestigasyon ang gawin upang matukoy ang sanhi ng bawat kaso.
Walang kuwestiyon na naiiwan at sa halip at natutugunan ang lahat ng alinlangan at hakahaka.
Isinasagawa ang CIC sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa Taguig City.
- Latest