^

Metro

Kasambahay naaktuhan sa pagnanakaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng ‘closed circuit television’ na nakakonekta sa mobile phone ng kaniyang amo, tiklo ang ginawang pagnanakaw ng isang kasambahay sa mamahaling gintong kuwintas dahilan ng kaniyang pagkakulong, kahapon ng umaga sa Makati City.

Nakilala ang inaresto na si Myra De Leon, 38, dalaga, ng  Brgy. Caingin, Malolos, Bulacan at stay-in sa bahay ng kaniyang amo na si He Fei, 38, Chinese national sa may Villa Adella Compound, Brgy. Olympia, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang pagnanakaw dakong alas-7:49 ng umaga sa loob ng bahay ng among si He.  Nasa kaniyang opisina si He nang tumunog ang kanilang cellular phone na may application na nakakonekta sa CCTV camera sa loob ng kaniyang kuwarto.

Dito niya nakita ang kasambahay na si De Leon na hinalughog ang kaniyang kuwarto at tinangay ang kaniyang gintong kuwintas mula sa kaniyang drawer.  Agad na hu­mingi ng tulong sa pulisya si He na rumesponde sa lugar at umaresto sa suspek.

Nang isailalim sa pagtatanong, itinuro ni De Leon kung saan niya itinago ang kuwintas na may pendant na nagkakahalaga ng P100,000.  Ibinaon niya ito sa lupa sa garden ng bahay ng amo.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong qualified theft sa Makati City Prosecutor’s Office at nakakulong ngayon sa Makati City Police Station Custodial Center.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with