^

2 arestado sa marijuana

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang  lalaki  na nakuhanan ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P.3 milyon sa isinagawang  buy-bust operation, kamakalawa sa  Caloocan City.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 , ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28 ng Batangas city.

Ayon kay Cruz, dakong alas-6  kamakalawa ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa parking lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

Nagawang makapagtransaksiyon ng isang undercover pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P30,000 halaga ng marijuana.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang titanium gray na Honda City (MMA 69).

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with