^
Mga barangay may priority list na ng mga residenteng babakunahan
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño , naghihintay na lamang ang mga ito sa instruction mula sa national at city governments hinggil sa idaraos na pagbabakuna.
pna.gov.ph/Joey O. Razon

Mga barangay may priority list na ng mga residenteng babakunahan

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na lahat ng barangay governments ay naghanda na ng listahan ng mga residente na magiging prayoridad sa gagawing pagbabakuna ng pamahalaan sa mga mamamayan laban sa COVID-19.

Ayon kay Diño, naghihintay na lamang ang mga ito sa instruction mula sa national at city governments hinggil sa idaraos na pagbabakuna.

“Ngayon, lahat ng mga barangay, lalong-lalo na dito sa Metro Manila, ay nakahanda naman kami diyan pati ‘yung mga listahan ng uunahin na i-injection-an,” anang opisyal, sa panayam sa radio.

“Kami lang ang nakakaalam niyan. Barangay lang ang may listahan kung sino ang senior citizen, sino ang mga single parent, at of course, sino man ‘yung uunahin nating beneficiary,” aniya pa.

Sinabi ni Diño na prayoridad sa pagbabakuna ang mga frontliners at senior citizens, base na rin sa paabiso ng national government.

Sa barangay, uunahin nila ang barangay tanod at barangay health worker at lahat ng nagtatrabaho doon.

“Kasunod niyan mga senior citizen, pagkatapos kung ano na ang direktiba ng aming city at national (government),” aniya pa.

Bukod dito, sinabi ni Diño na ang mga barangay governments ay naghahanda pa ng iba pang logistics concerns para sa pagbabakuna, gaya ng mga pasilidad at kagamitan na gagamitin.

Maging ang Barangay Health Emergency Res­ponse Teams ay maaari rin aniyang tumulong sa vaccination program.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with