^
Manilenyo pwedeng maging âchoosyâ sa bakuna-Yorme
Ito ang pabirong sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente sa lungsod para sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.
Edd Gumban, file

Manilenyo pwedeng maging ‘choosy’ sa bakuna-Yorme

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Sa Maynila pwede kang maging choosy.”

Ito ang pabirong sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga residente sa lungsod para sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ng alkalde na maaring pumili kung ayaw o gusto dahil wala namang batas na nag-oobligang mabakunahan ang bawat isa at ang nakalaang bakuna ay ibibigay sa mga bo­luntaryong mabakunahan.

Nanawagan din ang alkalde sa lahat ng gustong magpabakuna na magre­histro online. Pero niliwanag din ni Moreno na ang mga hindi nakapag­rehistro ay maaari pa rin na makapagpabakuna sa pamamagitan ng walk-ins.

Ipinaliwanag din ni Moreno na ang mga gustong magpabakuna na hindi nakapagrehistro online ay gugugol ng oras dahil kailangan pa silang interbiyuhin at kunan ng mga kailangang impormasyon, hindi tulad ng mga nagrehistro online na nakapagbigay na ng kailangang detalye.

Napag-alaman na base sa mga napag-usapang plano nila ni Vice Mayor Honey Lacuna, ang mass vaccination ay gagawin sa mga eskwelahan upang mas marami ang mabakunahan.

Kapag natapos nang bakunahan ang isang tao ay ilalagay siya sa isang lugar kung saan siya oobserbahan kung mayroong reaksyon ang bakuna sa kanya. Naroon din ang mga medical professio­nals at ambulance na naka-standby.

Tiniyak ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay hindi gagamit ng bakuna na hindi duly certified ng Food and Drugs Administration (FDA) bilang ligtas at epektibo.

BAKUNA COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with