^
2 âsuspectâ sa Dacera case kakasuhan ng perjury â NCRPO
Ayon kay National Capital Region Police (NCRPO) chief BGen. Vicente Danao, Jr. na walang pamimilit at pambubugbog na ginawa ang Makati police sa mga kaibigan ng flight attendant na si Christine Dacera na may illegal drugs na sangkot sa naganap na New Year’s Eve party sa isang hotel sa Makati.
Instagram/xtinedacera

2 ‘suspect’ sa Dacera case kakasuhan ng perjury — NCRPO

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng madagdagan ang kasong kakaharapin ng dalawa sa 11 mga kaibigan ng flight attendant na si Christine Dacera makaraang ibulgar na pinilit at binugbog sila ng mga pulis para palutangin ang anggulo ng ilegal na droga.

Ayon kay National Capital Region Police (NCRPO)  chief BGen. Vicente Danao, Jr. na walang pamimilit at pambubugbog na ginawa ang Makati police sa mga kaibigan ng flight attendant na si Christine Dacera na may illegal drugs na sangkot sa naganap na New Year’s Eve party sa isang hotel sa Makati.

Kasong perjury dahil sa pagsisinungaling ang ihaharap kina Jaypee dela Serna at Rommel Galido.

Ayon kay Danao, nakakapagtaka na nagsalita ang mga kaibigan ni Dacera na sila ay binugbog at napressure kaya napilitan silang sabihin na may ginamit na illegal drugs.

Aniya panay ang pain-terview ng mga ito sa iba’t ibang social media platforms at iisa ang kanilang sinasabi.

“Bakit ngayon lang?  Hindi natin alam, as far as the Makati City police station is concerned, per information coming from the chief of police himself, there is no such thing as bugbugan (mau-ling), coercion, or anything about drugs where they  were coerced into making statements,” ani Danao

Sinabi nila Dela Serna at Galido noong Miyerku­les na nagsinungaling sila nang banggitin ang Mark Anthony Rosales na may dalang illegal drugs noong party.

Binawi ni Dela Serna  ang una niyang pahayag hinggil dito gayundin si Galido sa pagsasabing hindi totoo na nagsalita sa kanya si Dacera na may inilagay  sa iniinom nito.

Nakatakda ang preliminary investigation sa Ene­ro 27 habang hinihintay pa ng mga imbestigador ang resulta ng forensics tests kabilang na ang   DNA analysis, toxicology/chemical analysis, histopathology examination, at laboratory results mula sa  Makati Medical Center.

CHRISTINE DACERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with