^

Metro

AWOL na pulis, 1 pa itinumba sa loob ng jeep

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Parehong todas ang isang AWOL (Absent Without Leave) na pulis at ka­niyang kasamahan na sangkot sa mga insidente ng panghoholdap makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin habang sakay ng isang pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Felizardo Pablico, 49, miyembro ng Sputnik Gang at ang AWOL na parak na si Reynaldo Nuque Jr., 40, dating nakatalaga sa Caloocan City Police Station.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-10 nang umaga nang sumakay sa isang pampasaherong jeep ang dalawang biktima sa may Quezon Blvd., sa Sta. Cruz. Nang nasa loob na ng jeep, apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang gumilid sa sasak-yan saka sila pinagbabaril dahilan ng kanilang agad na kamatayan.

Agad na tumakas ang mga salarin na nakasuot ng itim na jacket, helmet at face mask, patungo sa direksyon ng Recto Avenue.

Sa rekord ng MPD, kalalaya lamang ng dalawa sa kasong robbery hold-up.  Nadakip ang dalawa noong Nobyembre 11, 2020 sa isang police checkpoint makaraang holdapin ang isang mag-asawa.

Patuloy naman inaalam ng MPD ang motibo ng pagpaslang sa mga biktima at pagkakakilanlan sa mga salarin.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with