Ambulansiyang may lulang pasyente tumagilid sinalpok ng taxi

Agad din namang naisugod sa Philippine General Hospital ang pasyente kung saan dapat siyang dalhin ng ambulansiya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tumagilid ang isang ambulansiya na may dalang pasyente makaraang mabundol ng isang taxi sa may Laong Laan St. sa lungsod ng Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad din namang naisugod sa Philippine General Hospital ang pasyente kung saan dapat siyang dalhin ng ambulansiya.

Nabatid na nabundol ng isang taxi sa likurang bahagi ng ambulansiya.

Dahil sa lakas ng impact ay tumagilid sa kalsada ang naturang ambulansiya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para alamin kung paano nangyari ang naturang aksidente.

Show comments