DENR nagsagawa ng mangrove planting sa Baseco

MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng  mangrove planting acti­vity sa Baseco lagoon sa Tondo, Manila bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng rehabi­litasyon sa  Manila Bay.

“Our responsibility under the rehabilitation is not only confined in the physical rehabilitation, cleaning and dredging. Habitat restoration is also so much a part of the rehabilitation efforts,”  pahayag ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.

Sinabi ni Cimatu na ang  planting activity ay bilang pagsisimula lamang ng  habitat restoration sa bahagi ng  Manila Bay.

Magsasagawa rin ng ma­lawakang mangrove planting activities sa  shoreline ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat at Ecotourism Area,  Parola, at sa may Pasig River.

Kasama ang MMDA sa pagsasagawa ng pagtatanim ng  endangered mangrove species gapas-gapas na nagmula sa  Ecosystems Research and Development Bureau, mga nipa, busain at nilad.

Show comments