^
CAAP umalerto sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Pasko, New Year
Sa ilalim ng mga direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na “Oplan Biyaheng Ayos: ang pagpapatupad ng heightened alert status sa panahon ng Pasko 2020,” simula noong Disyembre 16, 2020 at tatagal hanggang Enero 5, 2021.
AFP/Romeo Gacad

CAAP umalerto sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Pasko, New Year

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa hightened alert status ngayon ang mga pa­liparan na pinapatakbo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa inaasahang pagtaas ng dami ng mga pasahero sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Sa ilalim ng mga direktiba ng Department of Transportation (DOTr) na “Oplan Biyaheng Ayos: ang pagpapatupad ng heightened alert status sa panahon ng Pasko 2020,” simula noong Disyembre 16, 2020  at tatagal hanggang Enero 5, 2021.

Kaugnay nito, nagdagdag ng mga hakbang sa seguridad at karagdagang deployment of service at security personel ang sinusunod ngayon sa lahat ng 12 area centers na humahawak sa mga paliparan ng CAAP upang matiyak ang ligtas, maaasahan, at maginhawang operasyon sa paliparan .

Sa mga bagong protocol at requirements dahil sa COVID-19 pandemic, hinihimok ng CAAP ang mga pasahero na maging handa na magpakita ng valid health forms at LGU requirements upang maiwasan ang abala sa pagpasok sa airport passenger terminal. Pinapaa­lalahanan din ang mga pasahero na i-download na ang app ng Traze bago ang kanilang pagdating sa paliparan para sa mas mabilis na pag-scan ng mga QR code sa mga entry / exit point at itinalagang mga lugar.

Bilang karagdagan, pinapaalalahanan din ang mga manlalakbay na huwag magdala ng mga ipinagbabawal na item sa paliparan at itago ang lahat ng mga pag-aari sa dala-dala na bagahe para sa mas mabilis na pagproseso sa mga checkpoint.

 

CAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with