_ngayon
^
Pulis itinumba sa loob ng barberya
Kinilala ang bikti­mang si Patrolman Mar­­cos Guillermo Laggui, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accoun-ting Unit (RPHAU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
STAR/ File

Pulis itinumba sa loob ng barberya

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa loob ng isang barberya sa ta­pat lamang ng Camp Bagong Diwa, sa Bi­cu­tan, Taguig City, ka­ma­kalawa ng gabi.

Kinilala ang bikti­mang si Patrolman  Mar­­cos Guillermo Laggui, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accoun-ting Unit (RPHAU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa inisyal na ulat, dakong alas-6:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa loob ng isang barber shop sa Paraiso St., Brgy.  Central Bicutan, Taguig City.

Nasa loob ng barberya ang pulis na nakasuot pa ng unipor­meng  camouflage  nang pumasok ang ‘di pa kilalang lalaki kung saan agad na  pinaputukan ng ilang ulit ang biktima na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Sa pagresponde ng Sub-Station 7 ng Taguig Police Station, dinatnan na ang biktimang duguan ang ulo at katawan. Nagtamo ng tatlong tama ng bala si Laggui habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Sa mga naunang ulat, si Laggui ay isa sa pinangalanan ni dating NCRPO chief, Police Major General Debold Sinas, na ngayo’y PNP chief, na nagpositibo sa paggamit ng iligal na  droga kaya’t inalis ito sa Regional Headquarters Support Unit (RHSU) patungo sa RPHAU, may tatlong buwan na ang nakalipas.

Nabatid din na minsan nang nasangkot sa kaguluhan si Laggui at kaniyang kapatid na security guard sa Barangay Claro, Project 3, Quezon City.

Inaresto si Laggui, kapatid nito at ang isang nakaalitan nila dahil sa alarm and scandal.

NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with