^

Metro

2 senior, arestado sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 senior, arestado sa buy-bust
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Danilo Mace-rin ang mga naarestong suspek na sina Hernando Chico, 60, ng Brgy. Dama­yan at Reynaldo Panga­niban, 62, ng Brgy. Roxas District.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen ang arestado nang makum-piskahan ng shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. Damayan, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Danilo Mace-rin ang mga naarestong suspek na sina Hernando Chico, 60, ng Brgy. Dama­yan at Reynaldo Panga­niban, 62, ng Brgy. Roxas District.

Nabatid na si Panga­ni-ban ay kasama sa watch list ng Directorate for Intelligence (DI) habang si Chico ay isang newly-identified drug personality naman.

Ayon kay Macerin, ang mga suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Masambong Police Station (PS 2), na pinamumunuan ni PLTCOL Ritchie Claravall, dakong alas-2:20 ng mada-ling araw kahapon sa isang buy-bust operation sa San Joaquin St., Brgy. Damayan.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust operation laban sa kanila.

Isang undercover ope­rative ang umakto bilang poseur buyer at nang ma-kabili ng P500 halaga ng shabu mula sa mga suspek ay kaagad na silang inaresto.

Bukod sa buy-bust mo-ney, nakumpiska rin mula sa mga suspek ang may 25 gramo ng shabu na nag-kakahalaga ng P170,000.

Nakapiit na ang mga   suspect na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange-rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with