^

Metro

8 ‘tulak’ arestado sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nawalis sa kalsada ng Maynila ang walong hinihinalang ‘tulak’ ng iligal na droga sa magkakasunod na anti-drug operations na ikinasa  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Pandacan Police Station 10, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang madakip sa may Pandacat Street ang mga suspek na sina Elmer Solis, 46, alyas “Asiong”, ang Top 10 drug personality sa Pandacan. Nakum-piska sa kaniya ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng nasa 1.70 gramo ng shabu na may halagang P11,560 at siyam na P100 bill na ginamit na marked money.

Sa ulat ng Meisic Police Station 11, dakong alas-8:45 ng gabi nang madakip sa kanto ng Rizal Avenue at Soler Street sa Sta. Cruz ang dalawang babaeng suspek na sina Ammie Dela Rosa, 34, miyembro ng Bahala na Gang at si Marimar Lacson, 26, miyembro naman ng Com­mando Gang.

Nakumpiska sa ka­nila ang apat na plastic sachet ng isang gramo ng shabu na may hala-gang P6,800 at dalawang P100 na marked money na ginamit sa operasyon.

Sa ulat ng Sampaloc Police Station 4, dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto ng mga pulis sa kanto ng Paltoc at San Jose Street sa Brgy. 421 sina Gina Estacio, 40; Marife Agapito, 31; at Noel Lauco, 44.  Apat na plastic sachet ng limang gramo ng shabu na may halagang P37,400 ang nakum-piska sa kanila. 

Nadakip naman ng Sta. Ana Police Station 6 dakong alas-10:30 sa kanto ng Onyx at Dagonoy Street sa San Andres Bukid sina Mark Daniel Agsaulio, 28 at Alexander Cientos, 18. Tatlong plastic sachet na may laman na 1.5 gramo ng shabu at may halagang P10,200 ang nasabat sa kanila. 

Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with