3 miyembro ng âgun-for-hireâ, utas sa shootout
Nakilala ang mga napatay na suspek na sina Jojo Guinto Castro, Romy Manalo Mallari, at Escott Cao Roque. Nakatakas naman ang ika-apat na suspek na sakay ng Mazda na may plaka XEL -583.
Philstar.com/File photo

3 miyembro ng ‘gun-for-hire’, utas sa shootout

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang mi­yembro ng gun for hire ang nasawi sa engkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group matapos na tumakas sa checkpoint, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang mga napatay na suspek na sina Jojo Guinto Castro, Romy Manalo Mallari, at Escott Cao Roque. Nakatakas naman ang ika-apat na suspek na sakay ng Mazda na may plaka XEL -583.

Ayon kay PNP-HPG Chief Mobile Section chief Police Major Ronald De Leon, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa Quirino Highway, Novaliches Caloocan City.

Nakatanggap umano sila ng tip na isang gun-for-hire group ang daraan sa lugar kaya nag-set up sila ng checkpoint.

Makaraan ang ilang oras ay namataan ng mga awtoridad ang isang sasakyang kahina-hinala umano ang plaka at nang makumpirma na karnap, agad itong hinarang ng mga awtoridad.

Gayunman, nagtangka umanong tumakas ang mga suspek hanggang sa makorner at nagkaroon ng putukan.

Bulagta ang tatlo sa mga suspek habang nakatakas naman ang driver ng kotse.

Ayon sa mga pulis, nag-operate ang grupo sa Region 3 at nagpunta ang mga ito sa Quezon City. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pakay ang mga suspek sa pagpunta sa Kamaynilaan.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong baril at pitong piraso ang bala.

GUN FOR HIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with