Simbang Gabi puwedeng ganapin sa mga gymnasiums, iba pang malalaking venues
“Sa Simbahan 30 percent lang ang ina-accommodate na mass goers kaya pwede sa gymnasium ‘yan,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Committee on Public Affairs ng CBCP.
Miguel De Guzman, file

Simbang Gabi puwedeng ganapin sa mga gymnasiums, iba pang malalaking venues

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang pag dagsa ng mga mananampa­lataya sa mga simbahan sa tradisyunal na Simbang Gabi, nagtakda ng mga pagbabago ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kabilang ang pagsasagawa ng naturang misa sa mas malala­king mga venues tulad ng mga gymnasiums.

“Sa Simbahan 30 percent lang ang ina-accommodate na mass goers kaya pwede sa gymnasium ‘yan,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Committee on Public Affairs ng CBCP.

Sinabi ni Secillano na kailangang magkipag-ugnayan ng Obispo o ang kura paroko ng isang lugar sa kanilang lokal na pamahalaan para makahanap ng mas malaking venue kumpara sa simbahan para pagdausan ng Simbang Gabi at upang mas marami ang makadalo. Isa lamang ito sa pagbabago na gagawin ng mga simbahan. Sinabi ni CBCP president at Davao Archbishop Romulo Valles na epektibo lamang ito habang mayroon pang pandemya. Kasama sa mga pagbabago ang pagsasagawa ng novena Masses o Simbang Gabi ng alas-6 ng gabi habang ang huling Misa de Gallo ay maaaring isagawa ng alas-6 ng umaga at maaaring dagdagan depende sa rami ng mga dadalong Katoliko.

“Meron po tayong December 25 na misa. Pwede naman po ‘yang madagdagan dahil ‘yan po naman talaga ‘yung Pasko ng Kapanganakan. ‘Yun pong mga tao usually duma­dagsa naman po ‘yan kaya si­gurado po ‘yung mga Simbahan mas magdadagdag pa parang Sunday schedule po tawag namin diyan,” ayon kay Valles.

Hinihikayat pa rin naman ng simbahan ang mga Katoliko na hindi makadadalo sa Simbang Gabi na magmisa sa loob ng kanilang bahay sa pamamagitan ng ‘online mass streaming.’

SIMBANG GABI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with