Expert: Paglabas ng mga bata, pag-isipang mabuti

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

Kailangang pag-isipang mabuti ang gagawing pagpayag sa mga minors na makalabas ng kanilang tahanan at makapunta ng malls kasama ng kanilang magulang o nakakatanda sa kanilang pamilya.

Ito ang sinabi ni Dr. Anna Ong Lim, dating Presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines at miyembro ng health department’s technical advisory group  sa pagpayag na makapunta sa malls ang mga minors.

Ayon kay Dr. Lim, ang paglabas ng mga minor ay maaaring mag -contribute sa pagdami ng tao sa labas ng tahanan at maaari silang mahawa o maiuwi sa tahanan ang virus na may kasamang elderly.

“Kung lumalabas ka bilang nagtatrabaho tinatanggap natin as risk kasi s’yempre kabuhayan natin ‘yan, pero kung lalabas tayo para mamasyal tapos i-expose natin ‘yung sarili natin at ating mga anak sa risk na mahawa, iuwi natin to sa bahay natin na meron tayong elderly na kasama. You would have to think very hard kung sulit ba ang exposure na ‘yun.” paliwanag ni Dr. Lim.

Anya kailangang patatagin ang pangangalaga sa mga minors dahil maaari silang mahawa at maging carrier ng virus papasok ng tahanan.

Hindi rin umano maaaring payagan lumabas ang mga bata na may 8 taon pababa na hindi maayos na makapagsusuot ng mask para sa kanilang kaligtasan.

Gayunman, maaari naman umanong payagan ang mga minors na lumabas kung sila ay nakatira sa mga lugar na lower ang risk sa virus.

Niliwanag naman ni Guido David ng OCTA Research Group na magbubunsod lamang ng pagdami ng mga tao sa labas kung papayagan ang mga minors na lumabas ng bahay.

Anya ang pagkakaroon ng overcrowding ang isang ugat ng community transmission kayat dapat itong iwasan.

Ipinahiwatig ni David na ang NCR na isang epicenter ng kaso ng Covid-19 ay may kahirapang maipatupad ng maayos ang paglalabas sa mga minors.

Ayon sa DILG, payag ang ahensiya na makalabas ang minors kung may kaukulang ordinansa para rito ang mga local govt units (LGUs).

PAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with