Paboksing sa Quiapo, totoy patay
Isinugod sa Ospital ng Sampaloc dakong alas-5:50 ng hapon ngunit idineklarang wala nang buhay ang 14-anyos na biktima na itinago sa alyas na Karim, nakatira sa Fraternal Street, Quiapo.
PSN/ File

Paboksing sa Quiapo, totoy patay

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang binatilyo makaraang ma-knock out ng nakalaban niyang kapwa totoy sa isang paboksing sa Quiapo, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Isinugod sa Ospital ng Sampaloc dakong alas-5:50 ng hapon ngunit idineklarang wala nang buhay ang 14-anyos na biktima na itinago sa alyas na Karim, nakatira sa Fraternal Street, Quiapo.

Nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Community Precinct ang nakalaban ng biktima na si alyas Boy, 13-anyos habang ­pinaghahanap pa ang mga promotor ng naturang paboksing.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5 ng hapon nang isang paboksing ang maganap sa Fraternal Street. Kabilang sa nagsagupa sina Karim at Boy. Nakatiyempo umano ng malakas na suntok si Boy dahilan para bumagsak sa semento si Karim na tuluyang nawalan ng malay.

Nang hindi agad magkamalay, isinugod na sa pagamutan ang biktima ngunit tulu­yang nasawi.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with