Gen. Leo Francisco, bagong direktor ng MPD

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May bago nang direktor ang Manila Police District (MPD) sa katauhan ni P/BGen Leo Francisco na nagmula sa Police Regional Office 3 (Central Luzon).

Isinagawa kahapon ang pormal na ‘turn-over ceremonies’ sa paghalili ni Francisco kay P/BGen Rolando Miranda na mapupunta naman sa Police Region Office 6.

Nabatid na nagsilbing Deputy Regional Director ng PRO 3 si Francisco bago ilagay sa assignment sa MPD base sa iniutos na balasahan sa posisyon ni PNP Chief, Major General Debold Sinas. Naupo si Miranda bilang MPD Director noong Marso 19 at naging mala­king hamon ang pagpapatupad ng ‘quarantine protocols’ sa lungsod ng Maynila dahil sa kasagsagan noon ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mahigpit na ipinatupad ni Miranda ang palagiang paggalugad sa mga kalsada at barangay sa Maynila para sitahin at damputin ang mga lumalabag sa mga safety protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face masks at paglabag sa curfew.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with